Gaano nga ang katibayan kaya Ng tumindig sa tibay ng salita? At ano pa ang kailangang kusa Na kung may lubos nang pagtitiwala? Na kung may lubos nang pagtitiwala?
Si Jesus sa inyo ang kumukupkop At huwag namang mangagdalang takot Huwag mangasira ang inyong loob, Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos! Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos!
Sakaling kayo ay mangagdaraan Malalim na tubig ang tatawiran Hindi aabutin ng kabangisan Pagka't Siya ang sumasa unahan. Pagka't Siya ang sumasa unahan.
Ang kalul'wang kay Kristo humihilig Hindi babayaang siya'y magahis Ng kaaway niya na sakdal bangis Pagka't lagi siyang tinatangkilik. Pagka't lagi siyang tinatangkilik.